Friday, October 21, 2011

Piolo Pascual, natatawa lang sa pag-alis ni KC Concepcion?!


 DAPAT TALAGANG MAKAPAG-ISIP nang mabuti si KC Concepcion ngayong nasa ibang bansa siya, na ang isa sa ginamit niyang dahilan ay para mahanap niya at maging buo ang kanyang sarili. Ang tindi ng epekto sa kanya ng mga pinagsasasabi niya, dahil ang unang tao na pinatutungkulan ng kanyang mga kalungkutan at pagkalito sa ngayon ay si Piolo Pascual. Nagmumukhang-kawawa ang anak ni Sharon Cuneta, dahil habang mukha siyang aburido sa pag-ibig, si Piolo naman ay cool na cool lang ang dating.
Nagtataka ang aming kasamahan sa PMPC na si Tita Len Llanes, dahil alam daw niyang nagpaparamdam na si KC na mayroon talaga silang problema ngayon ni Piolo. “Nagkaroon kami ng presscon kay Piolo. Siyempre, itinatanong namin ‘yung tungkol sa problema nila ni KC. Aba, walang sinabi si Piolo. Bumungisngis lang ng tawa,” tsika sa amin ni Tita Len.
Pangalawang ulit na ito na nagparamdam si KC na mayroon silang problema ni Piolo. Dalawang beses din na wala namang nadinig mula sa guwapong aktor na kongkretong paliwanag para naman hindi manghula ang marami at ang anak lang ng Megastar ang parang naiiwan sa ere. Pinagtataasan tuloy ng kilay ngayon si KC, dahil napakaganda niyang babae. Napakasuwerte nga niyang anak ni Sharon, dahil parang wala nang kulang sa kanyang buhay. Pero ano’ng nangyari at lagi siyang nawiwindang sa relasyon nila ni Piolo? Ang dating tuloy ay parang siya ang sobrang nagmamahal sa actor, kumpara sa pagmamahal na ibinabalik sa kanya ni Papa P.

by: Melchor Bautista via PinoyParazzi.com

No comments:

Post a Comment