Friday, October 21, 2011

Natanong din si Marian tungkol sa diumano’y breakup nina KC Concepcion at Piolo Pascual.


 After the people make fun with Piolo Pascual  Famous Dance in this Commercial they delete his dance scene  :)) 






KC-PIOLO RUMORED BREAKUP. Natanong din si Marian tungkol sa diumano'y breakup nina KC Concepcion at Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Naka-bonding ni Marian ang dalawang Kapamilya stars nang gumawa sila ng isang commercial para sa isang iced tea brand, kasama rin ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Marian, "Naku, kung totoo man yun, siyempre nalulungkot ako kasi after kasi [ng shoot ng commercial], nagkaroon din kami ng koneksiyon din ni KC.

"Napaka-sweet niyang tao, ang bait niya, as in!

"Minsan magte-text lang siya, 'Hi Yani, how are you?'

"May ganun siya, e," saad ng Kapuso actress.

Pero hindi ba ipinaalam ni KC sa kanya kung may problema nga ang relasyon nito with Piolo?

"Hindi, kasi hindi naman ganun ka-OA ang friendship namin, e, para mangialam din ako sa mga ganyan.

"Siyempre, kung totoo man 'yan, e, isa ako sa mga malulungkot kasi bagay sila, e," saad ni Marian.

Ano ang maipapayo niya kay KC?

"Ay, wala akong karapatang magpayo!

"Yung akin lang muna ang mas aayusin ko.

"Kasi minsan, madaling mag-advise pero pag nangyayari na sa buhay mo, hindi mo na ma-apply yun.

"So, wala akong karapatang magsalita ng mga comments na ganyan.

"Parang perfect naman ako masyado kung magsa-suggest ako.

"Huwag na lang," iwas niya.

No comments:

Post a Comment