Thursday, October 20, 2011

KC Concepcion , susperb actress (ALLAN DIONES)


DUMATING na si KC Concepcion mula sa LA at kahapon ay diretso siya agad sa second day ng taping niya para sa episode ng MMK na ipapalabas sa Sabado.
“Good morning, jetlag. Haven’t gotten a blink of sleep since I left LA! Need to be up in 30 mins for my 6:30am call... Work agad? Agad-agad?” tweet niya kahapon nang madaling araw.
“That’s it... my espresso machine is coming with me to taping today! No choice!! Hope you can watch this weekend’s MMK episode… thanks tweeps.”
Si Paulo Avelino ang kapareha ni KC sa nasabing episode ng MMK.
Kuwento ni Paulo sa huling presscon ng Aswang, kakaibang KC ang mapapanood sa MMK nilang dalawa. First time makatrabaho ng dating Kapuso hunk si KC at sobrang bumilib siya rito.
‘Superb actress’ ang description ni Paulo sa ex-girlfriend (?) ni Piolo Pascual. Aniya, napakagaling ni KC sa nai-tape nilang mga eksena, na isang period drama set in the 1950’s.
Ipinakita rito ‘yung struggle ng karakter ni KC from rich to poor hanggang sa umahon ito sa hirap kasama ng karakter ni Paulo na mahigpit na asawa nito.
Performance-wise ay humanga si Paulo kay KC lalo na sa heavy drama scenes, kaya puring-puri niya ang dalaga. Si Jerry Sineneng ang direktor nila.
Kahapon ay ka-BBM namin si Paulo habang nasa last taping day sila ng nasabing MMK episode. Dahil kadarating lang ni KC mula sa abroad ay kahapon lang sila ulit nakapag-taping.
Nang kumustahin namin kay Paulo si KC, kung malungkot ba ito at mukhang depressed ay sinagot lang niya kami ng, “Pagod, eh. Wala pang tulog.”
Nu’ng Linggo ay sa Wansapanataym napanood si Paulo at ngayong Sabado naman ay sa MMK.

No comments:

Post a Comment