Friday, October 21, 2011

The KC Concepcion and Piolo Pascual romance—is it over?






Jocelyn Dimaculangan






"Break na raw sila."

Ito ang balitang kumakalat tungkol sa magkasintahang Piolo Pascual at KC Concepcion.

Isang source ang nagparating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "totoo" ang balita.

Ang source na ito ay may koneksiyon sa ABS-CBN, na mother network ng high-profile na magkasintahan. Regular ding nakakasalamuha ng source sina Piolo at KC, lalo na ang huli na The Buzz co-host.

Aniya pa, "Hintayin na lang kung magsasalita si KC sa linggong ito."

MEANINGFUL STATEMENTS. Ang alingasngas tungkol sa paghihiwalay ng binata (na sinasabing pinaka-guwapo sa Kapamilya network) at ng dalaga (na anak ng dalawa sa pinaka-prominenteng showbiz stars) ay nagsimula noong nagpa-interview ang dalaga bago ito lumipad papuntang Paris, France, noong October 5.

Sabi ni KC, "Sa dinami-rami ng nangyari, or nangyayari, siguro ano lang, kailangan ko lang mag-isip talaga. Kailangan ko lang ng konting time na mapag-isipan lang yung mga nangyayari, and para lang mahanap ko ang sarili ko ulit."

Nang tanungin siya tungkol sa nobyo—kung alam ba ni Piolo ang tungkol sa kanyang pag-alis at kung sila pa rin ba—apat na beses sinagot ni KC ng, "Hindi ko po alam." Bakas din sa mukha ni KC ang lamya at pagkalito.

Samantala, maingat na maingat naman si Piolo sa pagsagot nito ng tungkol sa kanila ni KC sa naganap na presscon para sa Sun Life Financial Philippines noong October 8.

Sa tanong tungkol sa pagse-celebrate ng kanilang first anniversary, ang matipid na sambit ng singer-actor ay, "A, sa amin na lang po yun."

Pero tungkol naman sa kung magiging masaya ang kanyang Pasko, "Hope so, hope so," ang kanyang tanging tinuran. (CLICK HERE to read related article)

Halatang umiiwas si Piolo sa mga tanong tungkol sa kasintahan, kaya hanggang dalawang katanungan lang ang naitala ng entertainment press.

FRIENDS ARE MUM. Maging ang mga taong nakakakilala sa couple ay tikom ang bibig.

Tinanong ng PEP, via text messaging, ang publicist ng Star Magic, ang presidente ng isang fan club ng magkasintahan, at isang department head ng isang produktong ini-endorso ni Piolo. Lahat sila ay nagsabing wala silang alam.

Nitong nakaraang Agosto, nabalita nang may hinaharap na problema ang dalawa. Subalit agad na idinenay ito ng mga kaibigan na na-interview ng PEP, at nagsabi pang "Magkakabati rin sila." (CLICK HERE to read related article)

Nitong October 17, nang makuha ng PEP ang balitang hiwalay na talaga ang dalawa, naghanap kami ng kumpirmasyon. Ngunit tatlong araw na ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang Star Magic at iba pang mga kaibigan ng dalawa.

Ang huling sinabi ng talent-management company ng dalawa ay babalitaan ang PEP sakaling makausap nila sina Piolo at KC.

Dalawang kaibigan ang nagsabing wala silang alam. Ang dagdag ng isa, "They have a concert this late October, we'll see the truth."

Nakatakda nang magkaroon si Piolo ng series of shows sa Estados Unidos na tatagal ng dalawang linggo. Kasama sa mga naturang shows si KC.

Peps comments :

# 92
abby382 flop ang pag mumukha mo no wonder utak ipis ang pagka insecure mo! mag re search ka ha! kasama c KC sa TOP 20 movie of the all time! bobaaaa! kung yong recent movie nya ay hindi masyadong kumita hindi prin matatawag na flop yon kasi mas malaki nman ang kinita ng forever and a day sa wedding tyo wedding hindi na 38M lng noh!
# 91
MandK
October 21, 2011
12:43 PM
duh hindi naman flops ang shows ni KC or yong dalawang movies lang niya ang below 50 million..at least hindi siy anag hawak ng flop queen of all time...kuha mo abby382?
# 90
MandK
October 21, 2011
12:40 PM
basta happy ako na hiwalay na sila...go KC. MMk,alta,aSap and dbuzz
# 89
amdp
October 21, 2011
12:39 PM
eh anu naman if flop ang movie ni KC, at least kumita kahit konti. at di naman nya need ang money eh.business partner na sya or investor na sa resto business ng papa kiko nya, may mga minanang mga brilyante at alahas, mga hermes berkin bags, house and property from mega. she does not need money. what she needs is a guy to hug and have babies with who can spend time with her. KC was saying in publis that she understands PJ-- well... now PJ must really come out in the open to say how he feels for KC na yun ang hinahanap ng mga babae. kasi si derek at direk paul open naman sa relationship nila, si billy and nikki ganun din, very open, si kristine reyes and rayver, very open din at kita ng public maasaya sila, whereas si piolo tahimik at ayaw ng bulgaran. pero si kc i think wants an open relationship...

bandit54
parang gusto kong paniwalaan si Alfie Lorenzo noon pa sa litanya nyang ,gawa-gawa lang ng ABS yang relasyon daw na yan.Same as Rica Peralejo and Piolo noon..lol.Ah! ewan ko sa kanila.Next topic pls.Zzzzzzzzzzzz..


shidax
hiwalay na kung hiwalay ba't pa kasi pinipilit ang hindi talaga dapat...tama na yang pagself pity mo KC.hindi ka dapat nagkakaganyan marami naman mga lalaki dyan namamahalin ka ng tunay at hindi yung gawin ka lang panakip butas para matakpan ang totoong identity.
grazildachuvastra
ITS NOT OVERRRR...pagbabatiin sila ni Mr.M at live ito sa TheBuzz mangyayari. KC will play along sa moro-moro para sa ratings ng theBuzz. but Sharon will try to stop it syempre protect her daughter from senseless gimiks! pati ang lover ni papa P will also try to stop them from following Mr.M's utos! In the end may pelikulang gagawin ang dalawa para sa Star Cinema. MONEY TALKS, nobody walks...


chejhie
sabi ko na nga ba baki tlaga yang si piola eh. tigas ng ulo ni KC, yan tuloy. sumakit ang ulo niya. sino ba nman kasi ang gustong pumatol sa isang beki kahit gwapo pa ito eh kung beki nman, so wala rin hahantungan ang relasyon nila. sana nga totoong hiwalay na sila. kasi walang kakwenta-kwenta. di kapani-paniwala, kasi si piola ang lalaki kuno.


# 67
sosingmasa

bring out the champagne! KC, tama lang yan...it may hurt now for a while, pero it will save you a lifetime of heartaches. So tiisin mo lang, do some retail therapy and surround yrself with friends. One day you'll wake up and just laugh at that time you wasted on the wrong man. Trust me...pinagdaanan ko na yan at ng libu-libong babae. You can get over him.


MarkLapid
Walang masama sa pagiging gay basta di ka nanggagamit para pagtakpan ang image mo. Ang hirap kasi Kay Piolo ,halatang nangagamit ng girl eh. Mahirap pilitin ang sarili kung di mo naman talaga type magka-GF. Boyfriend ang hinahanap ng puso mo Piolo. Magpakatotoo ka na, makakahinga ka pa ng maluwag. Ganyan yong cousin ko na priest mabait sa loob ng simbahan paglabas puro lalake ang hanap, lumalabas ang tunay na kulay.


jjjjjjjjjj
aleluya........TAPOS NA ANG KALBARYO NI MEGA. amen......LET'S PARTY NOW NA.


humandynamics
 kung ngayon pa lang marami ng alingasngas at bigat na dala ang relasyon, huwag ng ituloy. hindi yan matatanggal ng dahil lang sa kasal. sometimes love just isnt enough, but thats life, just go on and move on. mag ipon ka ng mag ipon habang bata ka pa. showbiz is a very lucrative business then move back to paris and live a quiet but bonggang life. you can still do humanitarian work, you dont have to stay in one country to fulfill your obligations. maraming pweding gawin sa buhay na hindi involve ang lalaki, they should be just a part of woman'l life. kumbaga a cherry on top lang sila, and you can eat your pie without a cherry on top.


# 52
riafern

GIMMICK to the highest degree para sa concert nil sa States! Sooo cheap! KC will not stop at nothing, just to be sikat! Kesehodang niluto ng husto ang pagteam-up nya ke Piolo - who is actually a Piola! Maglad-lad na kasi, aminin mo ng anak ng kapatid mong si Tisay yung anak-anakan mong si Inigo! Hoy, kilala kita, magkapit-bahay tayo sa Del Pilar!





No comments:

Post a Comment