October 21, 2010. Ang date kung kelan daw naging formal ang relationship nina KC & Piolo. Isang alaalang painfully, binalikan ni KC as she opened up her heart to Tito Boy and the viewers.
"Actually simula nung 18 ako tinry na niya akong ligawan. But then in the the last three years talaga since bumalik ako from abroad, siya yung unang bumungad sa akin, siya at saka yung barkada niya yung una kong nakilala... Two years kasi ako Tito niligawan ni PJ, on and off. So talagang sa loob-loob ko sabi ko, sabi nila kailangan mo talagang kilalanin yung tao muna so yun yung ginawa ko na talagang kinilala ko siya. Simula ng Lovers in Paris na sinasabi niyang he wants to get to know me more than a friend... May mga times pa na mga 3 months hindi kami nag-uusap tapos biglang bumalik siya tapos nanligaw na talaga."
Ang pagdidilly-dally ni Piolo sa panliligaw sa kanya, gave KC the impression at first na baka hindi talaga sila for each other.
"Baka hindi siya sure sa akin or, parang iniisip mo na lang nung natapos yung Lovers baka kasi break muna kasi nga araw-araw kaming nagkikita. Basta nagde-date na rin ako ng iba na non-showbiz naman, so hindi na alam ng tao. And then he came back nung April 2010 and then sabi niya nung birthday ko, pinuntahan niya ako sa beach and then sabi niya sa akin, give me another chance."
And she gave him another chance.
"Opo naman. After that by October 2010, he asked me to be his girlfriend. For me ano lang, babae lang ako na niligawan, kinilig nang sobra kasi di ba tingnan ka lang ni Piolo nang konti, talaga namang di ba as a girl kikiligin ka talaga. As I always say, ikaw ba ligawan ni PJ? Or somebody na kasing bait niya? Or somebody na ganyan kagwapo? At that time nagpapakatotoo lang naman ako."
Pero before pa matuloy ang kanilang relasyon, both were told by their friends na baka maling maging sila, na baka hindi sila dapat maging sila.
"Napagusapan namin yan Tito Boy ni PJ, and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din namang nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So sabi ko po-problemahin ba natin yun? Yung ibang tao? Kasi anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me. So sabi ko, wag natin pansinin yung ibang tao if anything, ako sasabihin ko sa iyo. I trust you, so let’s make it a point na kung anuman yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo, yun ang paniniwalaan ko."
But the best thing in their relationship, considering that this was KC's first "showbiz relationship"...
"I think the best thing is that natuto ako na parang, mas naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko rin na seryoso talaga to the point na may mga bagay na hindi naman kumportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept... Mas naiintindihan ko kung ano yung pagmamahal. It sounds corny pero yung mas accepting ako."
When Tito Boy asked her to compare the October 21 of 2010, sa October 21 ng taong ito... KC said na maraming bagay ang naging clear to her, kung ano yung mga kaya at hindi niya kayang gawin.
"Bilang babae na minsan (pause) uhm, kailangan mo rin intindihin yung sarili mo kasi bigay lang ako nang bigay, saka iniintindi ko lahat Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi, tanggap lang ako nang tanggap. Yun pala hindi pala dapat ganon."
Why is she speaking up now? Why tell her story now?
"Ang dami po kasing nangyari in the last year na parang bukod sa marami akong natutunan talaga, may mga masasayang moments naman Tito Boy syempre ano lang talaga, hindi kasi ako mahilig magkwento ng problema namin sa iba hangga’t kaya ko pa. And I guess nung time na na-realize ko na talaga na hindi na talaga ito gagana, dalawa o tatlong buwan talaga ako pumapasok sa The Buzz every Sunday or sa ASAP na kunyari okay lang lahat, kasi akala ko mawawala lang siya, na akala ko parang hindi naman kailangan malaman ng ibang tao. Para maayos yung problem but then, talagang pag pumapasok ako tapos pagdating ng commercial break, hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa lahat ng pinagdadaanan namin... nagkukulong na lang ako sa banyo. Hindi ko na pwedeng gawin yun eh. Hindi ko na siya kayang mag-isa."
When Tito Boy directly asked her the big question, kung hiwalay na ba sila ni Piolo, KC nodded. Yes, it is confirmed. Break na silang dalawa. And the next big question is, WHY?
"May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na siguro pumunta sa details Tito Boy kasi ayokong siraan siya. Pero let’s just say na lahat talaga kaya ko, lahat. Lahat ng kung may anak siya tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya. Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon, na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin... Hindi ko na kaya yun tanggapin (tears up)... At kasalanan ko rin ito sa sarili ko Tito Boy kasi syempre ginusto ko naman ito di ba? So kasalanan ko rin sa sarili ko kasi pinaglaban ko pa eh. Saka sobra sobra talaga akong nagtiwala. Sobra."
May third party ba sa break up na ito?
"Ayoko pong sagutin Tito Boy."
The famous question of Tito Boy, "how painful is painful"?
"Sobra."
Galit ba si KC Concepcion?
"N
gayon ko lang po narealize na opo."
"E
wan ko kung bakit, paanong nangyari, yung pain at saka yung sama ng loob naging galit. Na talagang nagugulat din ako kasi first time ko rin na parang napapamura na rin ako. Hindi naman ako ganon, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay. And then siya natatawa lang siya kapag nakikita kong ini-interview siya, idadaan lang niya sa joke. Sa tingin ko, bakit ikaw ganyan? Ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli, mag-isa lang ako rito? Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay Mama na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na? Kasi kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya bakit? Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kasi eh, hindi ko talaga Tito Boy masabi sa kahit na sinong tao kung anong nangyari. Hindi ko talaga pwedeng sabihin."Bakit?
"Ayoko lang makasakit ng tao Tito Boy."
Sa mga nangyaring ito, did Piolo apologize?
"Opo. Ganun naman po si PJ, humihingi po ng tawad pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is, para sana hindi na maulit. Kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, paulit-ulit na magso-sorry."
Did Piolo ask for a second chance?
"T
ito boy binigyan ko siya 2nd chance, 3rd chance, 4th chance, 5th chance, 6th chance, 7th chance. Pagdating ng 8thchance, parang na-realize ko hindi lahat ng problema nadadaan sa kilig, hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa, hindi lahat nadadaan sa kilig. Kasi ang galing-galing niyang magpakilig. Ang tanga-tanga ko nga Tito Boy eh. Dumating lang siya sa point na parang sandali lang, parang hindi na natin ina-ano yung totoong nangyayari. Kasi titignan ka lang niya, ay wala na, nakalimutan ko na lahat. Lagi na lang Tito Boy ganon."
Bago ang tell-all na ito, matatandaang nagkasama pa sina KC at Piolo sa isang series of shows sa US. And pag-amin ni KC, ang pagsasama nilang iyon ay parang isang exam. Isang challenge. Did they talk while they were in the US?
"O
po nag-usap kami. PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why. And araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami, parang tug of war talaga. Kasi ito yung taong minahal ko o mahal mo, pero sobra akong nasasaktan ngayon, pero mahal ko siya, pero hindi na talaga pwede. Araw-araw na magkasama kami iniisip ko dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, ni hindi natin na-enjoy dahil hindi na gagana."
Sinong kakampi ni KC sa lahat ng ito? Kanino siya humuhugot ng lakas?
"T
alaga pong itong mga time na ito yung pinaka, never pa akong nakapagdasal ng ganito ka-sobra. First time kong magdasal ng ganito. Diyos na yun, pwede pa akong magtiwala, Diyos yan eh. And siya lang po talaga yung naging kakampi ko sa lahat."
Kahit hindi pa raw niya naku-kwento sa ina niyang si Sharon Cuneta ang mga nangyari, o ang pinagdadaanan niyang pain, alam na ito ng kanyang ina. And when asked kung ano naman ang pagkululang niya, sa relasyon nila ni Piolo...
"Ti
to Boy (pauses, tears up)... Naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon. Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi, hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."
Now the worst part of their relationship daw, ay ang cause ng break-up nila. Ngayon, they are "civil" daw with each other. Pero may pakiusap si KC kay Piolo...
"Ang hinihingi ko lang sa kanya, PJ please wag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako. Wag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto. Wag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin. Wag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat, kung kailangan ko munang mag-respond at mag-react, kung paano normal na mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko. Please."
At ang naging sagot daw dito ni Piolo, ay silence.
With the pain that she's ging through, how is KC coping?
"S
iguro po isa ito sa mga kinailangan ko munang gawin. Kasi hindi ko po kasi nasasabi sa mga tao na heto na po iyon eh. Ang hirap kasi meron kang tinatago sa tao, na hindi ko pa sinasabi na hiwalay na."
Lessons learned?
"Magtira
ka para sa sarili mo, at ang tiwalang ibibigay mo sa taong mamahalin mo, dapat alagaan ng taong mahal mo."
Any message for Piolo?
"A
lam na niya yun...
wag muna ngayon Tito Boy."As she ends this chapter in her life, ano ang wish ngayon ni KC Concepcion?
"Makahanap talaga ako ng true love!"
Read more in